masyado nang nawawalan ng saysay ang buhay ko. tsk. puro school work! school work! school work! i'm losing grip of my diversity! it's about time to gain it back...balik na naman ako sa mga MISadventures ngayong summer:
1. graveyard-hopping and church-hopping. i want to collect pictures of graveyards and churches. [wahoo! aphro, we WILL open our own exhibit...]
2. as much as possible, attend ALL music events. [aphro, namimiss na tayo nung mga TRAKERS!!]
3. ride the ferry boat and/or sailboat at manila bay just before sunset. awww. haha. masaya yun!
4. EK! EK! EK! space shuttle and anchor's away! wahoo! [huntingin natin ung clown! haha.]
5. road trip papuntang tagaytay. hay. kay saya. problema lang yung transpo. haha.
6. as much as possible, attend ALL gigs of spongecola, rivermaya and kjwan! [chuba, street team na 'to!! haha.]
7. makapasok ng sanctum. tsk. nakabaon ata sa ilalim ng lupa yun eh...ayos lang. hahanapin ko pa rin!! kahit na late nagbubukas. haha.
8. hintayin ULIT ung sunrise sa baywalk. pangako hindi ko na kayo tutulugan. haha.
9. inuman sessions sa antel! yey! roof deck!! hay. kay ganda ng view.
10. MOVIEHOUSE marathon. alam ko mahal...pero gusto ko pa rin ma-try.
11. videoke fest! non-stop singing!! ayaw ko na sa rob, ang pangit ng videoke dun...sa harrison na lang. haha.
12. makapasok muli sa planetarium. maganda sa loob nun! para kang nasa kalawakan. [aphro, ang tagal na nating plano nito...ituloy na natin!]
13. mag-explore ng mga bars sa malate, quezon at pasig...lalo na mayric's! [hay chuba, mapapakinabangan na natin ung mapa mo!]
14. eto cheesy pero gusto kong ma-try mag stargazing sa sunken garden ng up...mwahaha.
15. magmuni- muni sa baywalk...haha. mong, eto na ung mtv moments natin!
16. roundtrip ng lrt at mrt...baclaran to monumento. haha. tapos taft to north edsa. woohoo!
17. walkathon uli sa divisoria!! [nene, pasensya na nung dinamay kita at muntik pa tayong mawala. haha. umuulan pa man din noong panahong iyon.]
18. hay. walkathon naman sa quiapo! [nene, damayan mo uli ako! haha.]
19. manuod ng play. kahit anong play. basta gusto ko talagang manuod ng play.
20. matuto mag-gitara. hay. hanggang pangarap na lang ata ito eh...pero itatry ko pa rin. woohoo! eto na ang simula ng pagsikat ng merkshack plus the bouncer!